Sunday, December 21, 2008

holland villagers wishlist

Maligayang Pasko mula saming mga Holland Villagers! hehe.

Nagdecide kami magexchange gift ngayong taon. Nagbunutan kami mga two weeks ago. Sa two weeks na yun, kanya-kanyang diskarte para malaman kung sino ang nakabunot sa kanya. Mababa pala talaga ang EQ ng mga kasama ko sa bahay. Hmf. Sinulat na namen ang aming mga hiling sa wishlist na naka-post sa ref. Merong mga nagtatamper ng listahan--dahil nakita ko nlng na may nakalagay na "strainer" sa ilalim ng pangalan ko kahit hindi ko naman winiwish magka-strainer (sira na kasi ang strainer namen dito sa bahay--walang gustong mag-atubili na bumili.) At sa ilalim naman ng pangalan ni Jun, eh may nagsulat nang "Turbo Broiler".

Patapos na rin akong mag-christmas shopping. Pero kaunti lang. Ramdam ko ang recession, aray ko. Karamihan ng aking mga binili ay para sa pamilya at mga inaanak na aking makikita sa pag-uwi ko para sa bagong taon. Yehey. After two long years--este, matapas ang dalawang taon--na hindi pag-uwi, sa wakas eh uuwi rin ako!!!

No comments: