Saturday, April 11, 2009

Live the fourth

Hi....Puwede ka bang istorbohin? Puwede bang makaamot ng isang sandali man lang sa panahong ginugugol mo sa mundo? Sorry ha? Alam ko kasing busy ka. There's so much todo and to be preoccupied within the world. Alam ko yan.
But I've been longing to let you know something. Alam mo, you're so precious to me. Walang halong bola 'to. Mahal kita. Kaya nga pinilit kong mabuhay sa lupa ng tulad mo. Para habulin ka. Kaya nga lang minsan,napakabilis ng lakad mo. Hindi kita masabayan. Hindi kita mahabol.
Pag katabi kita, KSPng-KSP ako.... Kulang sa pansin.Gustong-gusto kitang masarili. Hindi kita mahabol kasi masakit at makirot pa ang mga paa ko. May mga butas pa kasi. May mga sugat. Ibig kitang haplusin pero nahihiya ako. Duguan ang mga palad ko. Pero kung hindi ka maselan tanggapin mo sana ang mga palad ko. Ibig kitang mahawakan. Ibig kong maglakad sa tabi mo.
I don't want to walk behind you . Hindi ko kaya ang pacing mo. I don't want to walk in front of you, tinatakbuhan mo ako. I want to walk with you.
I want you to be my friend. Ikaw ang dahilan kung bakit may mga sugat ako. Ikaw ang dahilan kung bakit naghirap at namatay ako. But please don't get me wrong. Hindi kita sinusumbatan. After all you deserve this love. And I deserve this fate. Basta para sa iyo okey lang. Mahal kita kaibigan. I'm always most willing to be of help. You want a shoulder to cry on? Narito humimlay ka sa balikat ko. Nakahanda akong makinig sa litanya ng mga problema mo. Hindi ako mabo-bore. Makikinig ako. I'll be most willing to listen to you. I'm your friend and I'll forever be.
You've been away from me. You hardly remember me. How I longed to listen to you. But you seldom spend time with me. I feel so lonely when I have to wait in vain for your words. Buti pa pag may problema ka, naaalala mo ako.Pero pag wala na, wala na rin ako sa iyo. Pero okey lang. At least nakakaalala ka pa.
Would it be so selfish of me if I would ask you to remain in me? I can offer you a lasting relationship. Isang pakikipagkaibigang hindi saklaw ng panahon at pagkakataon. I'll be a loyal committed partner. Maaring takbuhan ka ng mga kaibigan mong inaakala mong tapat sa iyo habang buhay. Tatalikdan ka rin ng taong napipisil mong mahalin. Ako na iyong kaibigan ay laging handa na tumanggap sa iyo.
Have you forgotten that I have died for you? If I need a thousand more deaths, I'll be most willing to offer my life if only to make you feel that I LOVE YOU. Isa lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Konting pagtingin lang. Yan, I sounded like KSP na naman. Pero anong magagawa ko? Talagang MAHAL KITA!
Can we be partners for life? And I assure you, you'll never be lonely, you'll never be alone. I'll never get tired of saying I LOVE YOU. And I mean it. Hindi pa ba sapat na pruweba ang magagawa ko para sa iyo? Will you spend some time now thinking of me? I have died for you, will you live for me?

JESS
--
Hi

HT kahapon. Asa trabaho ko. Hanggang mga alas otso ng gabi. Hindi pa kita nabibisita. Naalala ko pa nung una kong namulat sa kahulugan ng araw na yun. Naalala ko rin nung una kitang makasama sa Disco. Batch 27 pa yun. Una kitang sinagot. :) Ang tanda ko na pala noh? Parang ang tagal na nun. Minsan naman, ang pakiramdam ko, parang kahapon lang yung mga araw na yun.

Sorry ha alam kong matagal na kitang hindi nabibisita. Matagal na rin akong hindi bumalik sa Disco. Alam mo naman, bihira na ko umuwi. Minsan, gusto kong bumalik para mabahagi ko rin sa ibang mas nakababata sa kin kung pano kita nakilala. Kaya lang...hay, puro kaya lang.
Ang dami kong palusot, noh? Ang daming dapat gawin. Ang dami kong dapat asikasuhin. Pero alam mo naman siguro na sa mga huling sandali bago ko matulog sa gabi, ikaw ang iniisip ko. At sa umaga, pagnamulat ako, kahit gaano ko kasungit, naiisip ko na binigyan mo na naman ako ng isang pang araw.
Ang dami kong problema ngayon. Pati problema ng ibang tao, nagiging problema ko na rin. Sabi ko nga sa asawa ko minsan, pagod na kong maglider-lideran. Minsan gusto ko na lang lumutang. Alam mo yung pag nagbaback float ka sa isang malaking malaking swimming pool. Tapos ramdam mo ang init ng araw sa mukha mo. Gusto ko ganon na lang. Pero tuloy ang laban. At sa mga panahong akala ko hindi ko na kaya, pag naiiyak na lang ako, naiisip kita. Alam mo ba yun? Iniisip ko na lang na hindi mo naman ako papabayaan eh.
At never mo kong binigo. Hindi mo ko pinabayaan. Sa mga panahong akala ko lubog na ko sa problema at wala nang solusyon, bigla mo kong bibigyan ng isang himala. Meron pala talagang himala noh. Maraming salamat sa mga himalang patuloy mong binigay mo sa kin.
Marami nang nagbago. Mga iba kong kaibigan, nawala na. Pero meron ding mga bago. Meron ding hindi nawala. At isa ka dun. Kahit kailan alam kong andiyan ka lang. Nagtatyaga sa 'kin.
Salamat. Salamat sa lahat. Basta Ikaw, Mahal na Mahal Kita.
MICHELLE

No comments: